--Ads--

Back-to-back champion ang koponan ng SDO Isabela sa Cagayan Valley Regional Athletics Association o CAVRAA Meet 2025 na ginanap sa lungsod ng Santiago at nagtapos kahapon araw ng Linggo.

Base sa mga huling laro, mas lumaki pa ang agwat ng Isabela sa ibang delegasyon pangunahin na sa pumapangalawa sa pwesto na Cagayan.  

Batay sa opisyal na resulta na inilabas ng CAVRAA scoring committee, nakakuha ng kabuuang 117 gold, 101 silver at 100 bronze medal ang Isabela kumpara sa Cagayan na may 82 gold, 79 silver, 117 bronze medal.

Pumangatlo ang Nueva Vizcaya na may na may 71 gold, 66 silver at 70 bronze.

--Ads--

4th placer ang Santiago City na na may 66 gold, 49 silver, 46 bronze medal.

5th ang Quirino Province na may 33 gold, 45 silver, 58 bronze medal.

6th placer ang Tuguegarao City na may 28  gold, 28 silver, 51 bronze medal.

7th placer ang Cauayan City na may 28 gold, 28 na silver at 37 bronze medal.

8th placer ang City of Ilagan na may 22 gold, 35 silver at 57 bronze medal.

9th placer ang  Batanes na  may limang silver at walong bronze medal.

Matatandaan  noong  2024 nagkampeon ang Isabela, 2nd ang Nueva Vizcaya, 3rd ang Cagayan, 4th placer ang Santiago City samantalang panglimang pwesto  ang Tuguegarao City.

Isinagawa naman ang closing program ng taunang Regional Sports competition, alas dos ng hapon kahapon sa Santiago City Sports Arena.