Nagtapos sa ikaapat na puwesto si Filipina weightlifter Kristel Macrohon sa women’s 69-kilogram division ng 20th Asian Games sa Aichi-Nagoya, Japan.
Nagtala si Macrohon ng kabuuang 227 kilograms, mula sa 102 kilograms sa snatch at 125 kilograms sa clean and jerk.
Ito na ang ikatlong sunod na Asian Games appearance ni Macrohon. Sa kanyang unang pagsabak noong 2018, nagtapos siya sa ikawalong puwesto, bago umangat sa ikalimang puwesto sa nakaraang edisyon.
Bago ang Asian Games, nag-uwi rin si Macrohon ng bronze medal sa 2025 SEA Games sa parehong 69-kilogram division.Samantala, nananatiling isa si Macrohon sa mga pangunahing lifter ng Pilipinas matapos mabigo ang bansa na makakuha ng medalya sa women’s 61kg event kung saan nagtapos sa ikalimang puwesto si Elreen Ando.











