--Ads--

CAUAYAN CITY- Naiuwi na sa kanilang tahanan sa Barangay Kawatanon, Makilala, North Cotabato ang mga labi ni Eliezer Geraldez Bulaybulay, kilala bilang alyas Dondon

Matapos ang halos isang dekadang pangungulila at paghahanap, nakabalik na si alyas Dondon sa kanyang pamilya—ngunit sa kasawiang-palad, bilang mga labi na lamang.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Lt. Col. Melvin Asuncion sinabi niya na , nitong nakaraang Linggo ay naging abala sila sa iba’t ibang programa  kabilang dito ay ang pag-uwi sa labi ni alyas Dondon.

Sakay ng C-130 ng Phillipine Air Force, mula Maynila patungong Davao City, maayos na naihatid ang kanyang mga labi sa tulong ng pinagsanib pwersa ng Lokal na Pamahalaan ng Isabela, Maconacon, Makilala at iba pang mga ahensiya na tumulong sa pagproseso ng pagpapabalik ng kanyang mga labi sa kanyang tinubuang bayan. Ang kapatid ni alyas Dondon ang personal na nag-asikaso at sumundo sa mga labi para sa matagumpay na kanyang pagbabalik, matapos makipag-ugnayan sa 95th Infantry Battalion nang malaman nilang nasawi siya noong 2022.

--Ads--

Si alyas Dondon ay kabilang sa walong NPA na namatay dahil sa gutom sa Maconacon, Isabela noong 2022, matapos silang pabayaan ng kanilang mga dating kasamahan bunsod ng pinaigting na kampanya ng kasundaluhan laban sa insurhensiya sa nasasakupan ng 5th Infantry Division.

Bakas ang matinding kalungkutan sa mukha ng ina ni alyas Dondon nang muling masilayan ang anak na ngayo’y nakalagay na sa isang kahon. Sa kabila ng kanilang dalamhati, nagpapasalamat ang pamilya Bulaybulay dahil mabibigyan nila ng disenteng libing ang kanilang mahal sa buhay na nalinlang umano ng komunistang teroristang NPA.

Samanatala Bilang bahagi ng patuloy na suporta sa kalusugan at kapakanan ng mga mamamayan, namahagi ang 103rd Infantry Battalion (103IB), Philippine Army ng mga gamot sa mga piling health center sa bayan ng Pinukpuk at Balbalan, Kalinga noong 26 Pebrero 2025.

 Ang nasabing mga gamot ay mula sa donasyon ng PAFCPIC Isabela at ipinamahagi sa mga Barangay Health Workers (BHW) na nagsisilbing pangunahing tagapag-alaga ng kalusugan sa kani-kanilang mga komunidad.

Samanatala, Tinatayang 200 na aspirant at kasalukuyang Advanced ROTC cadets mula sa 202nd Community Defense Center, 2RCDG ang kumuha ng Armed Forces of the Philippines Service Aptitude Test (AFPSAT) na ginanap  sa Isabela State University Cabagan Campus.

Ang AFPSAT ay isang mahalagang pagsusuri para sa mga kabataang nais sumali sa militar, kung saan ang mga ROTC cadets ang pangunahing prayoridad. Sinusuri nito ang kakayahan ng mga kandidato para sa serbisyo militar at nagsisilbing kinakailangang pagsusulit para sa mga nagnanais pumasok sa Advanced ROTC program.

Kaugnay nito, Nagsagawa ng localized peace engagement ang grupo ng mga dating rebelde mula sa Cagayan Alliance for Peace and Development (CAPD) at iba’t ibang ahensiya ng gobyerno sa mga bayan ng Alcala at Solana, Cagayan.

Layunin ng programa na mapaalalahanan ang mga mamamayan sa negatibong epekto ng pagsanib sa mga rebeldeng grupo. Ang hakbang aniya ay upang wala nang mahikayat na umanib sa kilusan at mapanatili ang kaayusan sa lalawigan matapos ang deklarasyong “insurgency-free” ang Cagayan.

Nakiisa rin ang 5th ID sa ikinasang simultaneous fun run bilang bahagi ng 128th anniversary ng 5th ID na may temang  “Matatag na Sandigan ng Bagong Pilipinas,” na nilahukan ng 606 runners sa ilalim ng ba’t ibang kategorya.

Aasahan naman sa mga susuno sa Linggo ang pagbubukas o launching ng West Philippine Sea Photo Exhibit na ilulunsad ng 5th ID kasama ang Isabela State University.