--Ads--

CAUAYAN CITY – Kailangang balansehin ang wage adjustment sa mga rehiyon sa bansa.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Labor Secretary Silvestre Bello III na ang wage adjustment ay nangyayari bawat taon kaya ngayong taon ay muling pag-aaralan ng National Wage and Productivity Commission kung puwedeng itaas ang sahod ng mga manggagawa sa pribadong sektor sa gitna ng nararanasang krisis dulot ng COVID-19 pandemic.

Iginiit ni Kalihim Bello na dapat balansehin ang interes ng mga manggagawa at employer.

Nauunawaan nila na kailangan ng mga manggagawa ang dagdag na sahod ngunit dapat ding intindihin ang kalagayan ng mga employer dahil maaaring hindi nila kaya ang pagtaas ng sahod ng kanilang empliyado dahil sa nararanasang pandemya.

--Ads--

Pinabulaanan din ni Kalihim Bello ang ulat na may mga rehiyong matagal nang hindi nagkakaroon ng pagtaas ng sahod dahil taun-taon ay nagkakaroon ng pag-aaral at adjustment na inaaprubahan ng mga Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB).

Ang pahayag ni Labor secretary Silvestre Bello III