--Ads--

CAUAYAN CITY– Inaresto ng mga kasapi ng Aritao Police Station ang isang manggagawa matapos maaktuhang nagbebenta ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana sa  Nagcuartelan, Aritao, Nueva Vizcaya.

Ang suspek  ay  si Jovel Lahom alyas  Justine, 20 anyos, laborer at residente ng San Leonardo, Bambang, Nueva Vizcaya.

Nahuli  sa aktong nagbebenta ng dalawang sachet ng hinihinalang dahon ng Marijuana si Lahom sa isang pulis na nagpanggap na poseur buyer kapalit ng P/500.00.

--Ads--

Nang kapkapan  ay nakuha pa sa pag-iingat ni Lahom ang perang ginamit sa nasabing operasyon at cellphone na hinihinalang ginagamit sa  kanyang transaksiyon

Maituturing na newly calibrated drug personality ang suspek  na mahaharap sa  kasong paglabag sa Republic Act  9165  (Comprehensive Dangerous Drugs act of 2002).