--Ads--

CAUAYAN CITY– Inaresto ang isang lalaki dahil sa pagpalo nito sa ulo ng isang barangay tanod sa barangay Marabulig 2, Cauayan City.

Ang biktima ay si Ariel Mariano Garcia, 21 anyos, binata, barangay tanod at residente ng Marabulig 1, Cauayan City.

Ang pinaghihinalaan ay si Nelson Aquino Gonzaga, 68 anyos, may asawa at residente rin ng Marabulig 2, Cauayan City.

Lumabas sa imbestigasyon ng Cauayan City Police Station, ang biktima at ang anak ng suspek na si Genesis Gonzaga ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa harapan ng bahay ng mga Gonzaga.

--Ads--

Biglang lumabas ang suspek at pinalo ng tatlong beses ang biktima gamit ang kahoy na tinamaan sa kanyang ulo

Agad namang naawat ng mga tumugon na mga barangay tanod ang suspek.

Dinala ang biktima sa Cauayan District Hospital para malapatan ng lunas habang ang pinaghihinalaan ay dinala sa Cauayan City Police Station

Inihahanda na ang kaso laban kay Gonzaga na ihahain sa araw ng Lunes.