--Ads--

CAUAYAN CITY- Nasawi ang isang lalaki matapos magulungan ng trailer truck sa National Highway na bahagi ng Barangay. Homestead, Bambang, Nueva Vizcaya.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, kinilala ang nasawi na si Caien Nico Planas, nasa tamang gulang at residente ng  Brgy. Vista Hill, Bayombong, Nueva Vizcaya habag ang tsuper naman ng trailer truck ay si Jojo Mijares, trentay otso anyos at residente ng Santa Barbara, Piat, Cagayan.

Batay sa pagsisiyasat ng pulisya, parehong binabagtas ng motorsiklo at trailer truck ang pambansang lansangan patungo sa hilagang direksyon.

Nang makarating sa pinangyarihan ng insidente ay nag-overtake umano ang motorsiklo sa truck ngunit habang nasa proseso ng pag-overtake ay nawalan ito ng kontrol sa manibela at bumangga sa gulong ng trailer truck dahilan upang siya ay magulungan nito.

--Ads--

Agad namang rumesponde ang mga mga kasapi ng RHU-Bambang ngunit idineklarang dead-on the-spot ang tsuper ng motorsiklo.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Bambang Police Station ang tsuper ng trailer truck para sa dokumentasyon at kaukulang disposisyon