--Ads--

CAUAYAN CITY – Nasawi ang isang lalaki matapos na bumangga sa concrete barrier ang minamaheong motorsiklo sa bypass road na nasasakupan ng bayan ng Bayombong, Nueva Vizcaya.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni PMaj Jolly Villar, Public Information Officer ng Nueva Vizcaya Police Provincial Office (NVPPO) na ang aksidente ay  naganap dakong 11:30pm nang mawalan ng kontrol ang biktimang si Dennis Quiron sa palikong bahagi ng daan at bumangga  sa concrete barrier ang minamanehong motorsiklo.

Si Quiron na 31 anyos at residente ng Tuao South, Bagabag, Nueva Vizcaya ay nagtamo ng matinding sugat sa kanyang ulo na naging sanhi ng kanyang kamatayan.

Ayon kay PMaj Villar, bagong bukas ang Solano-Bayombong bypass road at may mga traffic signages ngunit bumangga pa rin ang motorsiklo ng biktima malapit sa signage na nagsasaad na 50 meters intersection ahead,  slowdown.

--Ads--

Batay sa pahayag ng kapatid ni Quiron, siya ay nakipag-inuman sa mga kaibigan bago pumunta sa bayan ng Bayombong.

Pauwi na siya sa bayan ng Bagabag nang maganap ang aksidente.