--Ads--

Isang Chinese crude oil supertanker na Yuan Hua Hu ang iniulat na palabas ng Gulf region, na nagmamarka ng isang pambihirang paglalayag sa Strait of Hormuz,batay sa ship-tracking monitors.

Batay sa ship-tracking data, umuusad ang supertanker sa naturang makitid at sensitibong daanan ng langis nitong Miyerkules ng umaga.

Ayon sa mga ulat, dumaan ang barko malapit sa Lark Island ng Iran sa silangang bahagi ng strait habang patimog ang direksiyon nito palabas ng Hormuz.

Ang Strait of Hormuz ay itinuturing na isa sa pinakamahalagang daluyan ng langis sa mundo, kaya’t anumang galaw ng malalaking tanker sa lugar ay mahigpit na binabantayan dahil sa umiigting na tensyon sa rehiyon.

--Ads--