--Ads--

Bumagsak sa red territory ang local stock market kahapon dahil sa pangamba sa humihinang peace talks ng US at Iran.

Bumaba ng 0.25% ang PSE index sa 5,971.98, habang bumaba rin ang All Shares index ng 0.34% sa 3,376.99.

Ayon sa Philstocks Financial, naapektuhan ang merkado ng pagtanggi ng US sa proposal ng Iran at pahayag ni US President Donald Trump na humihina ang tigil-putukan.

Tumaas naman ang presyo ng langis at humina ang piso na nagsara sa 61.48 kontra dolyar.

--Ads--

Umabot sa P9.45 bilyon ang turnover habang mas marami ang nalugi kaysa sa umangat na stocks.