--Ads--

CAUAYAN CITY – Patay na nang idating sa ospital ang isang lalaki na biktima ng hit and run sa Palattao, Naguilian, Isabela.

Ang biktima na sakay ng isang motorsiklo ay nakilalang si Jay Ylagan, 31 anyos at residente ng San Vicente, City of Ilagan habang hindi pa natukoy ang tsuper na lulan ng isang itim na sasakyan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Mervin Villanueva, hepe ng Naguilian Police Station, sinabi niya na binabagtas ng biktima ang pakurbang bahagi ng daan na malapit sa Naguilian bridge patungong hilagang direksyon nang bigla na lamang umagaw ng linya ang isang itim na sasakyan na patungo sa timog na direksyon at inararo ang sinasakyang motorsiklo ng biktima.

Nagtamo ng malalang sugat sa katawan si Ylagan lalo na ang kanyang ulo na dahilan ng kanyang pagkasawi.

--Ads--

Ayon sa mga saksi, mabilis ang takbo ng naturang sasakyan at hanggang ngayon ay patuloy na nakikipag-ugnayan ang Naguilian Police Station sa mga nakakita sa pangyayari para matukoy ang suspek.

Nakikipag-ugnayan na rin ang Naguilian Police Station sa mga may-ari ng establisiyemento na malapit sa pinangyarihan ng aksidente para makakuha ng CCTV footage.

Napag-alaman na mula sa lLnsod ng Cauayan ang biktima at pauwi na sana sa Lunsod ng Ilagan.

Ang pahayag ni PMaj Mervin Villanueva