--Ads--

Dinakip ang isang lalaki sa isinagawang entrapment operation ng mga kapulisan sa pagbebenta ng ilegal na armas at paglabag sa COMELEC gun ban sa Barangay 1, San Mateo, Isabela, kahapon.

Sa pagtutulungan ng pwersa ng mga operatiba ng CIDG, PIU, IPPO at San Mateo Police Station, arestado si alyas Jose, 52 anyos, may asawa at trabaho, at residente ng nasabing lugar.

Nakumpiska sa suspek ang isang caliber 45, isang .45 caliber magazine, tatlong bala, P25,000 na boodle money, selpon, at mga ID.

Sinampahan na ng reklamong paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at violation ng COMELEC gun ban ang suspek na nasa kustodiya ng mga kapulisan para sa tamang disposyon at dokumentasyon.

--Ads--