--Ads--

CAUAYAN CITY– Natagpuan na ang bangkay ng isang lalaki na ilang araw ng nawawala matapos na tangayin ng malakas na agos ng ilog sa Capellan, Ilagan City.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, natagpuan ng isang residente na wala nang buhay si Arvin Resureccion sa ilog na nasasakupan ng barangay Rugao.

Una nang napaulat dito sa himpilan ng Bombo Radyo Cauayan na dakong hapon ng linggo ay inanod ng malakas na agos ng tubig ang biktima habang papatawid ng ilog.

tinangka pa umanong sagipin ng kaniyang mga kasamahan matapos na makitang nalulunod subalit nabigo sila at tuluyang nalunod ang biktima.

--Ads--