--Ads--

CAUAYAN CITY– Nasunog ang laundry shop sa loob ng isang commercial building sa barangay Alibagu,Ilagan City.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan ang nasunog na bahay kalakal ay pagmamay-ari ng negosyanteng si Ginang Sally Nicanor, 45 anyos, residente ng Luna, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa BFP Ilagan City, una silang nakatanggap ng tawag na may nagaganap na sunog sa naturang lugar na agad naman nilang tinugunan kasama ang mga kasapi ng City of Ilagan Police Station at ilang fire volunteer.

Ayon kay City Fire Marshall Angel Diquiatco sa ngayon ay wala pang malinaw kung anong sanhi ng sunog.

--Ads--

Ngunit batay sa kanilang nakalap na impormasyon hinihinalang nagsimula ang apoy sa isang nag-malfunction na makina o nag-short circuit na laundry machine.

Tumagal ng 30 minuto bago tuluyang naapula ng mga bombero ang apoy at walang nasugatan sa nasabing sunog