--Ads--

CAUAYAN CITY- Sugatan ang isang LGU employee matapos na bugbugin sa isang bar sa Brgy. District 2, Cauayan City, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan ang biktima ay isang LGU employee na residente ng Barangay District 2, Cauayan City habang ang suspek ay residente naman ng Barangay District 3 sa parehong nabanggit na lungsod.

Sa pagsisiyasat ng Cauayan City Police Station napag alaman na nag- iinuman ang biktima kasama ang kaniyang mga kaibigan bago na ganap ang insidente.

Pauwi na sana umano si Alejandro at pababa na ng hagdan ng bar nang mabangga siya ng suspek.

--Ads--

Dahil dito ay nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan ng dalawa na nauwi sa panununtok.

Nagawang makatakas ang biktima subalit sinundan siya ng suspek at mga kasamahan nito kung saan siya ay pinagtulungang bugbugin.

Nagresulta ang insidente upang magtamo ang biktima ng injury at nagkaroon ng fracture sa mukha na agad dinala sa pagamutan para sa atensyong medikal.

Nadakip sa lugar ng insidente ang suspect habang nakatakas ang iba pang kasamahan nito.

Nagpapatuloy ang pagsisisyasat ngayon ng pulisya habang nanatili sa kanilang kustodiya si Benitez.