--Ads--

Libu-libong pulis ang lumusob sa KOJC Compound sa Davao City kaninang madaling araw.

Ito ay upang isilbi ang inilabas na warrant of arrest ng Pasig Regional Trial Court laban kay Pastor Apollo Quiboloy at mga kapwa akusado nito.

Si Quiboloy ay nahaharap sa kasong child abuse, sexual abuse at human trafficking.

Namataan din ang umano’y isang Long-range acoustic device na ipinuwesto ng PNP sa labas ng KOJC.

--Ads--

Una nang tiniyak ni Interior Sec. Benhur Abalos na gagawin nila ang lahat para hindi makalabas ng bansa si Kingdom of Jesus Christ KOJC leader pastor Apollo Quiboloy at matulad sa pagtakas ng dating alkalde na si Alice Guo.