CAUAYAN CITY– Humigit kumulang 100,000 voters account ang tinanggal na sa listahan ng mga botante ng Commission Halalan o COMELEC Isabela.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Provincial Election Officer Atty. Manuel Castillo Jr. ng Comelec Isabela, sinabi niya na pangunahin sa mga nadeactivate na account ay kinabibilangan ng mga botanteng sumakabilang buhay na, mga hindi nakaboto sa dalawang magkasunod na eleksiyon, maging ang mga botanteng may dual account.
Ayon kay Provincial Election Officer Atty. Castillo pinadadalhan nila ng notice ang mga botante na may deactivated account na para muling makapag-parehistro.
Pinag-aaralan ngayon ng Comelec ang pagkakaroon ng satellite registration, by appointment sa pamamagitan ng I-rehistro ng Comelec at pagpapalawig sa oras at araw ng pagaparehistro kabilang ang araw ng sababo
Puntirya ng Comelec na mairehistro ang 10% o mas mababa pa sa dating bilang ng mga registered voters na umaabot sa humigit kumulang isang milyon hanggang sa katapusan ng buwan ng Setyembre.
Samantala,sa pamamagitan ng I-rehistro pupunan lamang ng mga aplikante ang mga kinakailangang impormasiyon at pipili ng oras at araw ng kaniyang pagpaparehistro sa tanggapan ng Comelec.
Dadalin lamang g ng aplikante ang fill out application form sa tanggapan ng Comelec para sa mas mabilis na transaksiyon.
Para naman sa mga nakarehistro sa mga coastal towns ng lalawigan na kasalukuyang nasa lunsod o siyudad I mumungkahi ang muling pagsasagawa ng special satellite registration sa Provincial Capitol.
Papayagan din naman ang pagpaparehistro ng botante na may dual citizenship, kailangan lamang nilang magdala ng ma kaukulang dokumento na mag mumula sa Deparment of Foreign Affairs (DFA)











