--Ads--

Humingi ang Office of the Ombudsman sa Senado ng listahan ng media personnel at mga logbook entry kaugnay ng isinasagawang fact-finding investigation sa insidente ng putukan sa gusali ng Mataas na Kapulungan.

Sa liham ng Field Investigation Bureau-Luzon na may petsang Mayo 15 kay Senate Public Relations and Information Bureau Director Michael Caber, ipinag-utos ang pagsusumite ng pangalan ng mga media personnel na nasa Senate premises noong mangyari ang insidente, kabilang ang oras ng kanilang pagpasok at paglabas noong Mayo 13 at 14.

Hiniling din ng Ombudsman na magsumite ng certification under oath kung walang available na dokumento.

Pinayagan naman ang Senado na magpadala ng digital o scanned copies ng certified documents sa pamamagitan ng email.

--Ads--

Tiniyak din ng Ombudsman na mananatiling kumpidensyal ang lahat ng impormasyong makakalap sa imbestigasyon.