--Ads--
Bumagsak ang local stock market matapos umakyat sa 7.2% ang inflation noong Setyembre, pinakamataas sa loob ng tatlo at kalahating taon.
Bumaba ng 1.15% o 66.09 points ang Philippine Stock Exchange index o PSEi sa 5,677.12, habang nagbawas naman ng 0.86% ang All Shares index sa 3,170.73.
Ayon kay RCBC chief economist Michael Ricafort, maaaring magresulta ang mataas na inflation sa karagdagang pagtataas ng interest rates ng Bangko Sentral ng Pilipinas at pagtaas ng borrowing costs ng ilang kompanya.
Lahat ng sektor ay nagtala ng pagbaba, kabilang ang mining and oil na may pinakamalaking pagkalugi na 2.38%.
--Ads--










