--Ads--

Tuluyan nang naging isang tropical depression ang Low Pressure Area na nasa labas ng Philippine Area of responsibility kaninang alas dos ng madaling araw.

Huling namataan ang sentro nito sa layong 435km kanluran ng Iba Zambales. Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 45km/h malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 55km/h.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 20km/h.

Nasa labas ito ng Philippine Area of responsibility kaya hindi binigyan ng local name ng PAGASA. Hindi naman inaalis ang posibilidad na pumasok itong muli sa loob ng Philippine Area of Responsibility.

--Ads--

Kung pumasok man ito ay walang magiging direktang epekto sa alinmang lugar sa ating bansa.

Samantala patuloy naman ang pag-iral ng habagat o southwest monsoon sa malaking bahagi ng ating bansa.

Makakaranas pa rin ng mga pag-ulan ang malaking bahagi ng Luzon dahil sa Habagat.

Asahan din ang mga isolated o kalat-kalat na pag-ulan na may paminsan-minsang pagkidlat at pagkulog sa bahagi ng Visayas at Mindanao na epekto ng mga localized thunderstorms.