Kinukuwestiyon ngayon ng ilang consumers ang tila kawalan pa rin ng pagbaba sa presyo ng LPG sa ilang dealers sa kabila ng inanunsyong rollback ng Department of Energy (DOE) para sa buwan ng Setyembre.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Robinson Calderon, isang LPG dealer, sinabi nitong hindi pa naipapatupad sa kanilang mga dealers ang tinatayang 40 sentimo kada kilo na rollback sa presyo ng LPG.
Ayon kay Calderon, nakadepende pa rin ang aktuwal na pagbabago sa presyo sa price adjustment na ipatutupad ng mga LPG marketers.
May ilang LPG brands din umanong nanatiling walang pagbabago sa kanilang presyo sa kasalukuyan, habang posible namang magkaroon ng adjustment sa mga susunod na buwan.
Ipinaliwanag nito na bagamat may inilabas na rollback advisory ang DOE, nakadepende pa rin umano ang aktuwal na pagbabago sa presyo sa adjustment na ipatutupad ng mga LPG marketers at kumpanya.
Sa ngayon, nananatili umano sa humigit-kumulang ₱1,000 ang presyo ng isang LPG tank.
Dahil dito, pinayuhan ang mga consumers na patuloy na subaybayan ang mga opisyal na price updates mula sa mga LPG dealers at awtoridad.











