--Ads--
Tinanggal sa puwesto ng Land Transportation Office (LTO) ang apat nitong law enforcement officers matapos masangkot umano sa extortion sa Navotas City.
Ayon sa LTO, ang mga enforcer mula sa National Capital Region ay iniuugnay sa insidente ng pangingikil na naganap sa C3 Road noong Abril 23.
Agad silang inatasang isuko ang kanilang gamit at iba pang kagamitan sa loob ng 24 oras matapos ilabas ang kanilang reassignment o relief order.
Tiniyak ng LTO na magsasagawa ito ng masusing imbestigasyon sa insidente at papatawan ng kaukulang parusa ang sinumang mapapatunayang may pananagutan.
--Ads--
Hinihikayat din ng ahensya ang publiko na agad i-report ang anumang uri ng pang-aabuso o iregularidad ng mga tauhan ng LTO.











