--Ads--

CAUAYAN CITY– Inilabas na ng Pamahalaang Bayan ng Luna, Isabela ang Executive Order No. 01 s. 2021 may kauganyan sa pagsailalim ng buong bayan sa Modified Enchaced Community Quarantine mula ngayong araw hanggang February 7, 2021.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Mayor Jaime Atayde, sinabi niya na mula noong January 1, 2021 ay nakapagtala ang kanilang bayan ng 44 na kumpirmadong kaso ng COVID-19 at 26 ang aktibong kaso.

Sa kasalukuyan ay nasa 11 barangay na ang nakapagtala ng COVID-19 cases habang may ilang nagpositibo ang walang travel history subalit nakapitan ng virus.

Aniya, gagamitin ang 14-day modified lockdown para sa isasagawang contact tracing at swab testing sa mga nakasalamuha ng mga nagpositibo sa COVID-19.

--Ads--

Pinapayagan pa rin ang pagpasok sa trabaho ng mga empleyado at kailangan lamang magpakita ng ID.

Suspendido pansamantala ang public transportation gayunman papayagan ang paggamit ng transportasyon sa pagpasok sa trabaho.

Sa kasalukuyan ay ipinapatupad ang skeleton workforce sa iba’t ibang departamento ng kanilang munisipyo habang nanatiling bukas ang Disaster Office,Rural Health Unit at pamilihang bayan.

Pansamantala namang isasara ang mga bahay kainan at ilang pang bahay kalakal tulad ng salons.

Bago ang paglobo ng kaso ay nauna nang nagbaba ng sulat ang DILG may kaugnayan sa paghahanda ng mga LGU sa bagong variant ng COVID 19.

Ang bahagi ng pahayag ni Mayor Jaime Atayde