Mag-anak nasawi kabilang ang dalawang menor de edad na 12-anyos at 11-buwang-gulang, sa naganap na landslide dulot ng mga pag-ulan na dala ng bagyong Basyang sa Cagayan de Oro City.
Batay sa ulat kasalukuyang nagpapahinga ang mag-asawa na edad 45 at 37, at dalawa nilang pamangkin sa kanilang bahay sa Barangay Agusan, ay dumagundong ang lupa at tinamaan ng landslide ang kanilang bahay partikular ang kwarto kung nasaan ang mga biktima.
Kaagad umanong nagsagawa ng search and rescue ang mga kawani ng City Disaster Risk Reduction and Management Department (CDRRMD) na nakapuwesto sa barangay hall.
Nakuha ang mga katawan ng biktima na natabunan ng putik at debris mula sa landslide na tumabon sa kanilang bahay.
Ayon sa City Disaster Risk Reduction and Management Department (CDRRMD) , aalamin pa ng barangay kung paano nangyari ang landslide sa lugar na ngayon lang umano nangyari doon pagkaraan ng ilang taon.
Samantala, inilikas at nanatili sa mga evacuation centers ang iba pang naapektuhan ng pag-ulan sa lungsod.











