--Ads--
CAUAYAN CITY– Simula 5:00 AM bukas (Dec. 19, 2020) ay magpapakawala ng tubig mula sa Magat reservior ang National Irrigation Administration.
Ito ay dahil pa rin sa mga nararanasang pag-ulan sanhi ng Northeast Monsoon.
Mula sa 200 cubic meter/second ang pinakawalang tubig at maaari pang madagdagan depende sa lakas ng ulan sa Magat watershed.
Dahil dito ipinapayo sa mga mamamayan na iwasan ang pagtawid o pamamalagi sa tabi ng ilog dahil ito ay mapanganib.
--Ads--
Pinapayuhan din ang mga mamamayan na dalhin ang mga alagang hayup sa mga ligtas na lugar at huwag itali sa gilid ng mga ilog.





