--Ads--

CAUAYAN CITY- Nahuli sa isinagawang entrapment operation ang magkapatid na nagbebenta ng mga umanoy pekeng pesticides sa Purok 2 Cabulay, Santiago City .

Ang mga suspek ay ang magkapatid na sina Rogie Gordon, 34 anyos, may asawa at Rodel Gordon, 32 anyos, may asawa,magsasaka kapwa residente ng Alicia, Isabela.

Nasamsam sa pag-iingat ng magkapatid ang tinatayang nasa P20,000.00 na halaga ng hinihinalang pekeng pestcide

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan,inihayag ni Ginoong Jorge Sales, Pangulo ng Santiago City Vegetable Grower ng Santiago City, matagal nang minamanmanan ang galaw ng mga suspek hanggang sa makipag-ugnayan na sila sa Fertilizer and Pesticides Authority na nagresulta sa pagkakahuli ng magkapatid.

--Ads--

Nagtungo siya sa tanggapan Fertilizer and Pesticide Authority si Ginoong Sales bitbit ang sample product na ipinagbili sa kanya ng isa sa mga supplier nito.

Natuklasan na peke ang naturang produkto na ibinebenta ng mga suspek.

Ayon pa kay Ginoong Sales naghinala siya dahil sa pagkakaiba ng nasabing produkto sa texture, quality at pagkakaroon ng mataas na presyo nito.

Mayroon hinala si Ginoong Sales na marami na rin ang nabiktima ng mga ito.

Tinig ni G. Jorge Sales

Depensa ng mga suspek, hindi nila alam na peke ang kanilang itinitindang produkto at sinabing nagawa nila ang pagtitinda upang magkaroon sila ng extra income dahil sa kawalan ng trabaho ngayong COVID 19 pandemic.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Leo Bangad, Provincial Officer ng FPA, sinabi niya na hindi madaling mapansin ang mga unregistered products o pekeng produkto ngayon dahil sa maayos na packaging ng mga ito pangunahin na ang pagkakaroon ng maayos na labelling.