--Ads--

CAUAYAN CITY- Nasawi ang isang estudyante habang sugatan naman ang isa pa matapos mahagip ng pampasaherong bus ang sinasakyan nilang motorsiklo sa kahabaan ng National Highway na bahagi ng Barangay Castillo, Echague, Isabela

Ang motorsiklo ay minamaneho ni Ryan Galande, 22-anyos at residente ng

Barangay District 1, Cauayan City, Isabela habang ang angkas nito ay kinilalang si Angelique Kendica, 23-anyos at residente ng Barangay Castillo, Echague, Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PCapt. Heherson Serafica, Deputy Chief of Police ng Echague Police Station, sinabi niya na parehong binbagtas ng Motorsiklo at Bus na minamaneho ni John Michael Pascual, residente ng Masaya Centro, San Agustin, Isabela ang pambansang lansangan patungong Timog na direkyson.

--Ads--

Nang makarating sa pinangyarihan ng insidente ay bahagya umanong huminto ang motorsiklo para lumiko pa-kaliwa ngunit sakto namang nag-overtake ang bus at nang pabalik na ito sa dati nitong linya ay dito na nahagip ang motorsiklo na kinalululanan ng mga biktima.

Nagtamo ng matinding sugat sa katawan ang mga biktima pangunahin na ang backrider dahilan upang bawian ito ng buhay.

Nag-signal naman umano ang motorsiklo na akma itong liliko ngunit maaaring hindi na-taniya ng bus ang pag-overtake nito.

Napag-alam na magkasintahan ang dalawang biktima at pauwi na sana sa Boarding House ng babae nang maganap ang insidente.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Echague Police Station ang tsuper ng Bus para sa kaukulang Disposiyon.