--Ads--

Niyanig ng magnitude 6.7 na lindol ang timog na bahagi ng kabundukang Andes sa Peru nitong Huwebes, ayon sa U.S. Geological Survey (USGS).

Ayon sa USGS, naganap ang lindol alas-1:00 ng hapon (oras sa Peru) at natukoy ang sentro nito sa layong 38 kilometro hilagang-kanluran ng lungsod ng Upahuacho sa lalawigan ng Parinacochas, rehiyon ng Ayacucho. Naitala ito sa lalim na 66.7 kilometro.

Naramdaman ang lindol sa ilang rehiyon sa timog Peru, kabilang ang Ica at Arequipa.

Madalas makaranas ng lindol ang Peru dahil kabilang ito sa Pacific “Ring of Fire,” isang lugar kung saan aktibo ang paggalaw ng mga tectonic plate at madalas ang pagyanig ng lupa.

--Ads--

Noong 2007, isang magnitude 7.9 na lindol ang tumama sa isang lalawigan sa rehiyon ng Ica na ikinasawi ng halos 600 katao.