--Ads--

Niyanig ng magnitude 4.2 na lindol ang bahagi ng Isabela dakong alas-8:00 ng gabi nitong Martes, Oktubre 13.

Batay sa impormasyong nakalap ng Bombo News Team mula sa City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), naitala ang epicenter ng lindol 15 kilometro sa hilagang-silangan ng City of Ilagan, na may lalim na 10 kilometro.

Patuloy pang nangangalap ng impormasyon ang mga kinauukulang awtoridad hinggil sa posibleng pinsalang dulot ng lindol.

Sa ngayon, wala pang naitatalang ulat ng pinsala kaugnay ng nasabing pagyanig.

--Ads--

Ayon sa CDRRMO, karaniwang hindi nagdudulot ng pinsala sa mga istruktura ang lindol na may magnitude 4.2.

Gayunman, hindi pa matiyak kung may naidulot na pinsala ang pagyanig habang patuloy pang kinakalap ang mga ulat mula sa mga kinauukulang tanggapan.