--Ads--

Niyanig ng magnitude 6.7 na lindol ang timog bahagi ng Peru nitong Huwebes (araw sa bansa), ayon sa United States Geological Survey o USGS.

Naitala ang epicenter ng lindol may 38 kilometro hilagang-kanluran ng Upahuacho sa lalawigan ng Parinacochas, Ayacucho Region, at may lalim na humigit-kumulang 66 kilometro.

Naramdaman ang pagyanig sa ilang bahagi ng southern Peru kabilang ang mga rehiyon ng Ica at Arequipa. Samantala, mas mataas na magnitude 7.2 ang naitala ng Geophysical Institute of Peru o IGP, na nagsabing nasa lalim na 108 kilometro ang lindol.

Sa paunang ulat, wala pang naitatalang malawakang pinsala o nasawi habang nagpapatuloy ang assessment ng mga awtoridad sa mga apektadong lugar.

--Ads--

Ayon naman sa Peruvian Navy, wala ring banta ng tsunami kasunod ng lindol. Bahagi ang Peru ng Pacific Ring of Fire, isang rehiyong madalas makaranas ng malalakas na lindol at pagputok ng mga bulkan.