--Ads--

Arestado ang dalawang magpinsan sa magkahiwalay na operasyon ng Dupax del Norte PNP sa Purok Acacia, Brgy. Munguia, Dupax del Norte, Nueva Vizcaya dahil sa pag-iingat ng hindi rehistradong baril.

Ang mga nahuli ay parehong magsasaka at nakatira sa Purok Acacia, Brgy. Munguia, Dupax del Norte, Nueva Vizcaya.

Nakumpiska mula sa pangangalaga ng isa sa mga suspek ang isang unit ng caliber 45, dalawang piraso ng magazine, 92 piraso ng live ammunitions, at tatlong empty shells ng Cal. 45.

Nasamsam naman sa pag-iingat ng isa pang suspek ang isang improvised cal 22; dalawang piraso ng cartridge; isang piraso ng Cal 38; tatlong piraso ng Cal. 45; isang cartridge ng M14; dalawang piraso ng Cal 45 Magazine; sampung piraso ng cal. 45 Cartridge; apat na piraso ng 12-gauge Shotgun cartridge; isang Cal 45 Colt MK IV at isang magazine na may lamang pitong bala.

--Ads--

Matapos ang imbentaryo ay dinala na ang mga suspek at ang mga nakumpiskang ebidensya sa Dupax del Norte Police Station para sa pagproseso at karagdagang imbestigasyon.

Nahaharap ngayon ang dalawang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act No. 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.