--Ads--

CAUAYAN CITY – Natagpuang patay ang isang magsasaka sa loob ng isang balon sa Naguilian Norte, Lunsod ng Ilagan.

Ang nasawi ay si Eugene Casue, 44 anyos at residente ng nabanggit na barangay.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni PSSg. Carlos Sicam, imbestigador ng City of Ilagan Police Station na bago ang pangyayari ay inihatid pa ng biktima ang kanyang misis para magtinda at pagkatapos ay pumunta na siya sa kanilang sakahan upang ayusin ang kanilang patubig.

Gayunman, kinagabihan ay hindi na umuwi ang biktima kaya hinanap na siya ng kanyang mga kapamilya at natagpuan na wala nang buhay sa loob ng balon na may limang metro ang lalim.

--Ads--

Noong una ay hinihinalang nahulog ang biktima ngunit lumalabas sa pagsisiyasat ng City of Ilagan Police Station na na-suffocate si Casue sa loob ng balon.

Batay sa medical ng biktima, walang nakitang sugat sa kanyang katawan.