--Ads--

CAUAYAN CITY – Nasawi ang isang magsasaka matapos na mabangga ng isang Sport Utility Vehicle (SUV) kagabi sa Barangay 1, San Mateo, Isabela.

Ang biktima ay si Cesar Lumabao, 51 anyos, magsasaka at residente ng Salinungan East, San Mateo, Isabela habang ang tsuper ng Montero Sport ay si Eddie Bawalan, 48 anyos, may asawa at empliyado ng pamahalaang panlalawigan ng Kalinga.

Batay sa imbestigasyon ng San Mateo Police Station, binabagtas ng SUV ang daang bahagi ng Barangay 1, San Mateo patungong hilaga nang mabangga niya ang tumatawid na biktima.

Hindi umano napansin ni Bawalan si Lumabao kaya niya ito nabangga.

--Ads--

Itinakbo sa ospital ang biktima subalit idineklarang dead on arrival.

Kusa namang sumuko si Bawalan sa San Mateo Police Station.