--Ads--

CAUAYAN CITY–  Inaresto  ng mga kasapi ng  Dupax Del Norte Police Station sa Nueva Vizcaya   ang isang magsasaka na  No. 1 most wanted person provincial level   sa kasong  panggagahasa.

Ang akusado  ay  si Renato Diola, 40 anyos, magsasaka at residente ng  Dupax Del Norte, Nueva Vizcaya  dahil sa panggagahasa sa kanyang pamangkin.

Ang akusado ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest  na ipinalabas ni Judge   Paul Attolba Jr. ng RTC Branch 30, Bayombong, Nueva Vizcaya sa   kasong 9  counts of rape in relation to Republic Act  7610.

Hindi nakapagsumbong ang biktima dahil sa palaging pinagbabantaan ng akusado .

--Ads--

Nasa pangangalaga na ng Dupax Del Norte Police Station  ang akusado  na nakatakda namang ipasakamay sa   Court of Origin.

Sa naging panayam ng Bombo  Radyo Cauyan, inihayag ni  PMajor Myla  Paguyo, hepe ng Dupax Del Norte Police Station  na pamangkin ng akusado  ang biktima nito na noon ay 11 anyos  pa lamang.

Habang nasa bukid ang  magulang ng biktima  ay pinagsasamantalahan ng akusado  ang dalagita.

Nabuntis  ang biktima at nang magtanong ang kanyang mga magulang ay  doon lamang naglakas loob na ibunyag ang ginawang panggagahasa sa kanya ng tiyuhin.

Sinabi pa ng dalagita sa kanyang mga magulang na palaging pinagbabantaan siya ng akusado kaya hindi nakakapagsumbong.

Ang bahagi ng pahayag ni  PMajor Myla  Paguyo