--Ads--

CAUAYAN CITY– Pinasalamatan ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang Ambassador ng Pilipinas sa Kuwait dahil sa pagtutok nito sa kaso ng pinatay na OFW na si Jeanelyn Villavende.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Sec. Bello na maganda itong development ng kaso dahil nabigyan ng katarungan ang pagkamatay ni Villavende.

Kasunod ito ng desisyon ng husgado sa Kuwait na guilty ang among babae ni Villavende at napatawan ng parusang kamatayan.

Sa ngayon ay hinihintay pa nila kung kailan isasagawa ang pagbitay.

--Ads--

Ayon sa kalihim, magsilbi sana itong leksyon sa mga employer sa ibang bansa na ang mga OFWs ay tao at hindi dapat tratuhin ng masama at apakan ang kanilang dignidad.

Bagamat may mga natatanggap pa rin silang sumbong na minamaltrato na OFWs na karamihan ay mula sa middle east ay naaagapan naman agad.

Ang bahagi ng pahayag ni Labor Sec. Silvestre Bello III