--Ads--

Umatras sa kandidatura ang isang tumatakbo para sa parliamentary seat sa Maguindanao del Sur, ayon sa Commission on Elections o Comelec.

Kinumpirma ni Comelec spokesperson John Rex Laudiangco na in-withdraw ni Nasser Dalgan ang kanyang certificate of candidacy para sa 5th District ng Maguindanao del Sur. Hindi naman nito ipinaliwanag ang dahilan ng kanyang pag-atras.

Ayon sa Comelec Law Department, dahil nakalimbag na sa mga balota ang pangalan ni Dalgan, ituturing na stray votes ang anumang boto na makukuha nito.

Isinasagawa ngayong Lunes ang kauna-unahang parliamentary elections sa BARMM, na may mahigit 2.39 milyong rehistradong botante.

--Ads--

Inaasahang magsisimula ang transmission ng partial at unofficial results matapos magsara ang mga voting precinct alas-7 ng gabi at matapos mailimbag ang unang siyam na kopya ng election returns.