--Ads--

CAUAYAN CITY- Nadakip ang nasa mahigit dalawang libong pro-Palestinian protesters sa Estados Unidos matapos silang magsagawa ng kilos protesta laban sa Israel.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Pinoy Gonzales ng Texas, USA sinabi niya na napag-alaman na ang mga  kabi-kabilaang grupo na nagsasagawa ng protesta sa US ay highly financed ng ilang mga terorista na konektado sa mga Palestinian groups sa Gaza

Aniya na hindi tama na nilalason ang utak ng mga estudyanteng Amerikano na wala namang kinalaman sa problema sa kanilang bansa.

Naghahatid lang aniya sila ng gulo sa Amerika at aniya na kawawa ang mga estudyante na na-engganyo na makilahok sa protesta dahil maaari silang ma-expel sa kanilang mga paaralan.

--Ads--

Hindi naman aniya sinusuportahan ni US President Joe Biden ang mga ganitong aktibidad dahil nasisira hindi lamang ang pag-aaral ng ma estudyante kundi pati na din ang mga pasilidad ng mga paaralan na pinagsasagawaan ng kilos protesta.