--Ads--

CAUAYAN CITY – Umabot na sa mahigit 250,000 na  mag-aaral sa ikalawang rehiyon ang nakapag-enroll sa unang linggo ng online registration.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Amir Mateo Aquino, Public Affairs Unit Head ng DepEd Region 2, sinabi niya na mula noong Lunes ay nakapagtala na sila ng 254,838.

Aniya, 30% na ito ng kanilang target na 900,000 para sa school year 2020-2021.

Maaari  nila itong maabot hanggang sa ikatlong linggo ng Hunyo depende sa magiging performance ng mga guro.

--Ads--

Ayon kay Ginoong Aquino, kung titingnan ang sitwasyon ngayon ay malaki na ang nasabing bilang.

Pinakamarami  ang elementarya na umaabot sa 133,894 na sinundan ng junior high school, senior high school, kindergarten at pinakamababa ang Alternative Learning System (ALS).

Ang pahayag ni Ginoong Amir Aquino ng DepEd region 2.