--Ads--

CAUAYAN CITY-Umabot na sa mahigit 33,000 baboy ang isinailalim sa culling sa Region 2 bunsod ng African Swine Fever (ASF).

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Regional Executive Director Narciso Edillo ng DA Region 2 na aabot na sa 33,946 na baboy ang naicull sa lambak ng Cagayan.

Aniya, sa 28 lokal na pamahalaan sa lalawigan ng Cagayan ay 8 ang naapektuhan ng ASF na kinabibilangan ng dalawampu’t isang barangay.

Aabot naman sa 1,582 na baboy ang nai-cull at 396 ang apektadong hog raisers.

--Ads--

Pinakamarami sa Isabela dahil 32 sa 37 lokal na pamahalaan na ang naapektuhan.

309 na barangay sa mga bayan at lunsod ang apektado at 31,669 na baboy ang nai-cull habang 4,846 na hog raisers ang naapektuhan.

Sa Quirino naman ay naapektuhan ang lima sa anim na lokal na pamahalaan kung saan apatnapu’t limang barangay ang apektado.

Aabot naman sa 2,570 ang naicull na baboy at tatlong daan labing walo ang apektado.

Pinakahuling probinsya sa rehiyon na naapektuhan ng ASF ang Nueva Vizcaya.

Sa labing limang lokal na pamahalaan ng probinsya ay siyam ang apektado pangunahin na ang dalawampu’t limang barangay.

Aabot naman sa 2,099 na baboy ang naisailalim sa culling at tatlong daan animnapu’t dalawang hog raisers ang apektado.

Sa kabila nito ay tiniyak ng DA Region 2 na sapat ang suplay ng karne ng baboy sa kapaskuhan at pagsalubong sa bagong taon sa kabila ng naitatalang kaso ng ASF sa lambak ng Cagayan.

Ang bahagi ng pahayag ni Regional Executive Director Narciso Edillo