--Ads--

CAUAYAN CITY – Nanawagan ng agarang tulong ang mahigit 400 na Overseas Filipino Workers (OFW’s) na nawalan ng trabaho sa isang kompanya sa Riyadh, Saudi Arabia dahil sa epekto ng Coronavirus Disease (COVID-19) pandemic.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Rico Eugenio, aluminum installer sa isang malaking kompanya sa Riyadh na apat na buwan na silang walang trabaho matapos na tumigil ang operasyon ng kanilang kompanya.

Humingi na sila ng tulong sa Philippine Overseas Labor Office (POLO) para makauwi na sila sa Pilipinas ngunit pinaasa lamang sila.

Ayon kay Ginoong Eugenio, ang iba nilang kasama ay napipilitang maghalungkat ng mga basura para makahanap ng mga puwedeng makain.

--Ads--

Dahil aniya sa labis na pag-aalala sa kanilang sitwasyon ay isa nilang kasama na taga-Taguig City ang namatay.

Ayon kay Ginoong Eugenio, may mga kapwa nila OFW’s sa Saudi Arabia ang nagbibigay ng tulong sa kanila ngunit ayaw nilang umasa na lamang sa kanilang mga kapwa Filipino sa nasabing bansa kaya umaapela sila kina Pangulong Rodrigo Duterte, Senador Christopher Go at Labor Secretary Silvestre Bello III na tulungan silang makauwi na sa Pilipinas.

Ang pahayag ni Mr. Rico Eugenio