Umabot sa 40,000 Faithfuls ang matiyagang naghintay sa St. Peter’s Square para sa unang resulta ng Conclave.
Inihayag ni Bombo International News Correspondent Demetrio Bong Rafanan na alas nuebe ng gabi ng magpalabas ng itim na usok ang Vatican City hudyat na wala pang napipiling Santo Papa sa unang botohan ng Conclave.
Isang senyales na mahigpit ang nagaganap na botohan dahil sa na delay ng higit isang oras ang paglalabas ng resulta.
Isa parin sa mga napipisil na hahalili kay yumaong Pope Francis si Cardinal Luis Antonio Tagle at Cardinal Pietro Patrolin na kapwa malapit sa yumaong Papa.
Samantala, sumampa sa 40,000 na mananampalataya ang nanatili sa labas ng Sistine Chapel partikular sa St. Peter’s square na umaantabay sa resulta ng Conclave.
Karaniwan aniyang umaabot ang botohan ng tatlong araw kung saan ang huli ay 26 hours ng inihalal si Pope Francis.
samanatala, Inaasahang dadagsa pa ang mga Faithfuls sa St. Peter Square para antabayanan ang resulta ng ikalawang botohon ng Conclave ngayong araw.
Inihayag ni Bombo International News Correspondent Fr. Derick James Vergara, Student of Canon Law ng Univeristy of the Holy Cross – Rome, alas 4:30 ng hapon ng nagsimulang pumasok sa Sistine Chapel ang mga Cardinal na siyang kabilang sa Conclave para sa ikalawang botohan.
Ngayong araw ay apat na botohan ang isasagawa dalawang beses sa umaga at dalawang beses sa hapon ngunit dalawang beses lamang na maglalabas ng usok.
Inaasahan naman nila na makakapili na ng bagong Santo Papa at maglalabas na ng puting usok ang Chimineya ng Sistine Chapel.
May ilang Filipino deligations aniya ang may bitbit na bandera ng Pilipinas bilang pagsuporta kay Cardinal Luis Antonio Tagle na isa sa mga napipisil na hahalili sa yumaong si Pope Francis