--Ads--

Umakyat na sa 57,316 pamilya, o mahigit 248,000 indibidwal mula sa 161 barangay sa buong bansa, ang naapektuhan ng Bagyong Inday at ng pinalalakas nitong hanging habagat.

Batay sa pinakahuling tala, nasa 1,900 pamilya o higit 6,400 indibidwal ang nananatili sa mga evacuation center.

Nagbukas na rin ang pamahalaan ng mahigit 40 evacuation center upang pansamantalang mapagtaguan ng mga residenteng naapektuhan ng pagbaha at tuloy-tuloy na pag-ulan.

Inaasahang tataas pa ang bilang ng mga apektadong pamilya habang nagpapatuloy ang assessment at validation ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa mga lugar na sinalanta ng kalamidad.

--Ads--