Pinabulaanan ng Malacañang ang mga ulat ukol sa isang diumano’y insidente ng harassment sa kalsada na kinasasangkutan ng isang “presidential son” sa kahabaan ng North Luzon Expressway (NLEx) nitong gabi ng Sabado.
Ayon sa mga kumalat na ulat sa social media, pasado alas-7:00 ng gabi ay isang motorcade na may tatlong sasakyan ang diumano’y nagharang sa umano’y sasakyan ng anak ng Pangulo.
Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Secretary Dave Gomes na walang naganap na anumang insidente na may kinalaman sa sinumang anak ng Pangulo.
May 15 kalalakihan umanong bumaba mula sa mga sasakyang nakarehistro sa isang bayan sa Bulacan at kinompronta ang convoy matapos umano itong mag-overtake.
Wala pang pahayag ang mga awtoridad ukol sa insidente, ngunit iginiit ng Palasyo na walang ganitong pangyayari na naganap.





