--Ads--

Sinagot ng Malacañang ang mga pahayag ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong kaugnay ng umano’y mabagal na imbestigasyon sa mga kuwestiyonableng flood control project.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, taong 2019 pa nang ilantad ni Magalong ang kontrobersyal na rock netting project sa Baguio at magsagawa ng imbestigasyon dito, ngunit hanggang ngayon ay wala pa umanong natutukoy o nasasampahan ng kaso kaugnay ng naturang proyekto.

Dahil dito, sinabi ni Castro na dapat ding suriin kung sino talaga ang mabagal sa pag-aksyon sa usapin.

Samantala, binigyang-diin ng Palasyo na mula nang simulan ang malawakang pagsusuri sa mga flood control project noong Oktubre 2025, ilang personalidad na ang natukoy at naimbestigahan, habang mayroon na ring mga inilabas na warrant of arrest.

--Ads--

Iginiit pa ni Castro na kung may mga anomalya nang naunang inilantad ni Magalong, mahalaga ring malaman ng publiko kung ano ang naging bunga ng mga isinagawang hakbang at imbestigasyon kaugnay ng mga ito.