Tinawag ni Palace Press Officer at Presidential Communications Office Undersecretary Claire Castro na isang diversionary tactic ang umano’y pagpapakalat ng mga kaalyado ni Vice President Sara Duterte ng impormasyon na nahuli si Senador Ronald “Bato” dela Rosa.
Ayon kay Castro, walang sapat na batayan at konteksto ang naturang impormasyon na ipinakakalat nina Atty. Herminio “Harry” Roque Jr. at Atty. Vic Rodriguez Bondoc.
Iginiit din niya na ang isyu ay inilalabas sa panahong umanong sinusubukang ilihis ang atensyon ng publiko mula sa mga isiniwalat ng Commission on Audit (COA) kaugnay ng paggasta ng milyun-milyong pisong confidential funds ng Office of the Vice President at Department of Education na umano’y walang kaukulang resibo.
Binigyang-diin ni Castro na malinaw umanong may layuning ilihis ang usapin sa pamamagitan ng naturang hakbang ng mga kaalyado ni Vice President Duterte.










