Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na imbestigahan ang ulat na ang buhangin mula sa mga baybayin ng Pilipinas ang pinapantambak ng China sa kanilang reclamation sa West Philippine Sea (WPS).
Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro, na matapos makatanggap ng impormasyon ay agad ipinag-utos ng Pangulo ang masinsinang imbestigasyon tungkol dito.
Sakali naman aniyang mayroong mga lokal na pamahalaan na sangkot sa sinasabing quarrying para gamitin sa reclamation ay pananagutin din nila ang mga ito.
Mahigpit aniya ang bilin ni Pangulong Marcos na papanagutin kung sino ang dapat managot.
Base sa nakaraang pagdinig ng Senado ibinunyag ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA) na mismong ang buhangin na nasa coastal areas ang ipinapantambak sa ilang reclamation sa WPS.