--Ads--

CAUAYAN CITY– Wala pa ring pagbabago ang proseso ng pagbibigay ng tulong sa mga Overseas Filipino Workers o OFWs na apektado ng COVID-19 pandemic sa Kingdom of Saudi Arabia.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay G. Jerry Bern Layco, OFW sa Saudi Arabia, sinabi niya na may mga ilang establisimiyemento na rin ang bukas na tulad ng mga restaurants subalit marami pa ring OFWs ang walang trabaho.

Marami aniya ang nagtutungo sa Philippine Overseas Labor Office o POLO sa naturang bansa para humingi ng tulong dahil hanggang ngayon ay marami pa rin ang hindi nakakatanggap ng 200 U.S dollars na tulong mula sa pamahalaan ng Pilipinas sa mga OFWs.

Bukod dito ay marami na rin ang may gustong umuwi dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa naturang bansa.

--Ads--

Ayon kay Layco, isa sa pinakahinaing ngayon ng mga OFWs ay ang pagkuha ng ayuda na hanggang ngayon ay pahirapan pa rin.

Tinig ni Jerry Bern Layco, OFW sa Saudi Arabia

Isa aniya sa napakahirap na sitwasyon ngayon ng ilang mga OFWs sa naturang bansa ay wala na silang makain at nanlilimos na lamang ang ilan.