Binigyang-diin ni Senado na maraming mga magulang ang “dissatisfied” o hindi nasisiyahan sa K to 12 program at senior high school program ng pamahalaan.
Sa pagdinig sa Senado, tinukoy ni Sen. Sherwin Gatchalian sa latest survey noong Marso na 42 percent ng mga constituents ang dissatisfied o hindi kuntento sa K to 12 habang 32 percent naman ang satisfied, ibig sabihin mas marami talagang mga kababayan lalo na ang mga magulang ang hindi nasisiyasahan sa programang ito.
Sa senior high school program naman ay 40% ang dissatisfied habang 32% naman ang kuntento o katumbas ng negative 7% net dissatisfaction rating.
Sinabi ni Gatchalian na kung ganito kababa ang satisfaction rating ng mga programa, nangangahulugan lamang na hindi kinakitaan ng halaga ng mga magulang ang ipinatutupad na basic education program ng bansa.
Gayunman, sinabi ng senador na kahit papano ay pababa ang trend dahil noong 2023 ay pinakamataas ang dissatisfaction rating sa K12 na umabot ng 52 percent habang pinakamataas naman ang dissatisfaction rating sa SHS program noong 2024 na nasa 48% kaya kahit papano ay nakakatulong ang mga reporma at benepisyo na unti-unting ipinatutupad sa mga programa.