Posibleng lumampas sa walong porsiyento ang inflation sa Pilipinas kapag tumindi ang El Niño, kasabay ng paghina ng paglago ng ekonomiya.
Maaaring magtaas ng presyo ng pagkain at kuryente ang matinding tagtuyot dahil sa posibleng pagbaba ng produksyon ng mga pananim at suplay ng tubig.
Sa pagsusuri, maaaring madagdagan ng hanggang 1.57 percentage points ang inflation at mabawasan naman ng hanggang 0.81 percentage point ang paglago ng gross domestic product o GDP sa ilalim ng matinding El Niño.
Naitala ang 7.2 porsiyentong inflation noong Setyembre, pinakamataas sa loob ng tatlong taon, habang 2.6 porsiyento lamang ang paglago ng ekonomiya sa unang kalahati ng taon.
Ayon sa PAGASA, posibleng lumakas ang El Niño sa pagtatapos ng 2026 at magpatuloy hanggang unang kalahati ng 2027











