--Ads--

CAUAYAN CITY – Natagpuan na ang katawan ng isang binatilyo na nalunod kahapon ng tanghali sa irrigation canal sa Sta Cruz, San Manuel, Isabela.

Ang biktima ay si Jundell Pascual, 14 anyos, grade 9 student at residente ng District 3, San Manuel, Isabela.

Sa imbestigasyon ng San Manuel Police Station, ang biktima kasama ang limang iba pa ay naligo sa irigasyon subalit habang sila ay naglalaro ay bigla umanong tumalon sa irigasyon si Pascual dahilan para siya ay malunod.

Sinikap siyang iligtas ng isa sa mga kasama na si Virgo Delos Reyes, 14 anyos subalit nabitiwan nila ang kapit sa isa’t isa at lumubog na sa tubig at hindi na nakita ang biktima.

--Ads--

Nabatid na hindi alam ng binatilyo na lumangoy.

Natagpuan ang kanyang katawan ng mga grupong nagsagawa ng search and rescue operation.